PISTON retweeted
WATCH: Halos 50 miyembro ng @pistonph, tigil-pasada na sa Parañaque ngayong umaga | RH 15 @JecelleRicafort, DZRH News
PISTON retweeted
LOOK: Members of the transport group @pistonph hold their own strike along E. Rodriguez, Sr. Ave. in Quezon City. @TheManilaTimes – at Quezon City, National Capital Region
As climate negotiations in Bonn close, unions alongside women, youth, indigenous peoples and climate groups have joined together to demand real action on just transition in this make-or-break year. #SB62 #JuneClimateMeetings
PISTON retweeted
KITA NG NEGOSYANTE, HINDI PARA SA KAUNLARAN NG MGA RESIDENTE
Sino ang nasa likod ng demolisyon sa Mayhaligue?
PISTON retweeted
MAGMULAT, MAG-ORGANISA, MAGPAKILOS 🪧
Nagkaroon ng talakayan ang mga lider ng PISTON hinggil sa pag-oorganisa sa hanay ng mga manggagawa sa maliit na pampublikong transportasyon.
Ang tunay, militante, at makabayang organisadong pagkilos ang sandata ng mga tsuper at operator.
PISTON retweeted
Ang Mahal na Araw ay mabisang panahon para:
✅ Magnilay
✅ Mag-aral
Ngayong Huwebes Santo, kasabay ng paggunita ng Semana Santa ay nagkaroon tayo ng talakayan sa mga tricycle driver at operator sa Taguig hinggil sa EVIDA Law at Magna Carta of Trycle Drivers and Operators. 🌄
PISTON retweeted
🛣️ SINO ANG NAKIKINABANG SA BAGONG TEKNOLOHIYA? 🔋🍃
Ngayon araw, naglunsad tayo ng talakayan hinggil sa mga epekto ng EVIDA Law at ang nakahaing Magna Carta of Tricycle Drivers and Operators sa Kongreso na layong magsulong ng “modernisasyon” ng mga traysikel sa bansa.
PISTON retweeted
New Publication
Inilulunsad ng Inklusibo at ng @PARA_AIT ang pinakabagong praymer hinggil sa pribatisasyon ng sistemang riles sa Pilipinas.
Basahin at i-download dito: inklusibo.org/railway-privat…
#Inklusibo #SocialServiceInclusion #NoToPrivatization
PISTON retweeted
Unang idinaos ang Mayo Uno sa Pilipinas noong May 1, 1903 sa pangunguna ng Unyon Obrero Democratica de Filipinas. Higit 100,000 manggagawa ang kumilos para sa kanilang karapatan at para sa tunay na kalayaan. Pinadagundong nila ang panawagang “Down with US Imperialism!” laban sa kolonyal na gobyerno ng US sa Pilipinas.
Noong 1980, itinatag ng 50,000 manggagawa ang Kilusang Mayo Uno kasagsagan ng Batas Militar ni Ferdinand Marcos Sr.
Sa loob ng 45 years, pinakilos ng KMU ang libu-libong manggagawa sa ilalim ng bandera ng tunay, palaban, at makabayang unyonismo para sa mga dikit-sa-sikmurang isyu at sa iba pang usapin ng mamamayan. Kinatawan ng KMU ang lahat ng manggagawang Pilipino sa kanilang mga laban. Sinuong ang lahat ng pamamaraan ng paglaban upang patagumpayan ang kahingian ng manggagawa’t mamamayan. Binigkis ang mga manggagawa laban sa dominasyon ng mga imperyalista sa bansa at itinaguyod ang programa ng mamamayan para sa tunay na kalayaan at demokrasya.
Isang buwan bago ang ika-122 pagdiriwang ng Mayo Uno sa Pilipinas, inaanunsyo natin ang buong-taong kampanya para itanghal ang ika-45 taon ng Kilusang Mayo Uno sa temang:
“Panghawakan ang tunay, palaban at makabayang unyonismo!
Mangahas na magpalawak at makibaka!
Labanan ang neoliberal na atake sa paggawa!
Isulong ang pambansang demokrasya na may sosyalistang perspektiba!”
Ang hamon ng KMU sa ika-45 na anibersaryo nito: Mangahas!
✊ Para pababain ang presyo ng mga bilihin at gastusin: Mangahas!
✊ Para kamtin ang P1200 nakabubuhay na sahod at itatag ang isang pambansang minimum na nakabubuhay: Mangahas!
✊ Para wakasan ang kontraktwalisasyon at para sa trabahong may katiyakan: Mangahas!
✊ Para ipagtanggol ang karapatan sa pag-uunyon at pag-welga: Mangahas!
✊ Para sa pagpapalakas ng kilusang manggagawa: Mangahas!
✊ Para sa pagtatagumpay ng ating pakikibaka: MANGAHAS!
#KMU45 #Mangahas45 #MayoUno2025
PISTON retweeted
Our wish on Duterte's 80th Birthday: 80 years in prison!
📆 On March 28, let us light candles not to greet Duterte a happy birthday, but to remember the thousands of victims who will never celebrate their birthdays again. Let us light candles as a symbol of our continuing fight for justice.
March 28, 2025
Liwasang Bonifacio
3:00PM
#DutertePanagutin #MarcosSingilin #dutertebday #EndImpunity
PISTON retweeted
Transport group PISTON protests PUV modernization program anew in front of DOTR Sec. Vince Dizon’s office as he begins his tenure @gmanews @24OrasGMA
PISTON retweeted
Transport group PISTON picket in front of the Department of Transportation office in San Juan City to appeal to new DOTr Secretary Vince Dizon: allow unconsolidated jeepney operators to renew their registration. @ABSCBNNews
PISTON retweeted
PANOORIN: Kasalukuyang nagsasagawa ng programa ang transport group na PISTON sa harap ng tanggapan ng DOTR sa EDSA-Connecticut sa San Juan para ipanawagan ang pagsuspinde sa PUV modernization program | @balitangA2Z
PISTON retweeted
Ito si Manong Gerry, isa sa mga nakakuwentuhan nating drayber ng "modern" PUV sa Baguio City.
Malayo sa ipinangako ng gobyerno na magiging regular ang sahod ng mga drayber sa ilalim ng Public Transport Modernization Program. Porsyentuhan na may minimum ang kalakaran ng bayad sa drayber ng kooperatiba ni Manong Gerry.
At katulad ng iba pa nating nakonsultang kooperatiba dito sa Baguio, napilitan lang pumasok ang samahan ni Manong Gerry sa consolidation, at bumili lamang ng modern mini-bus para maka-comply sa requirement. Takot nila, kapag nasira ang binili nilang modern, ni hindi nila ito mapapagawa dahil walang parts, at di nila mababawi ang inutang nila.
Ang isinusulong natin sa KOALISYONG MAKABAYAN, tunay na progresibong makamasang pampublikong transportasyon.
Sa mga napilitang pumasok sa modernisasyon, isusulong natin ang panukala para sa moratorium sa utang at amnesty sa interes. At sa mga drayber at iba pang mga manggagawa sa mga kooperatiba't korporasyon ng transport, isusulong natin ang P1200 nakabubuhay na sahod.
Ipaglalaban natin ang karapatan sa nakabubuhay na sahod at kita, may eleksyon man o wala!
#26Floranda
#FlorandaSaSenado
#TaumbayanSaSenado
#ByahengPagbabago
PISTON retweeted
TUTULAN ANG LRT-1 FARE HIKE!
LABANAN ANG PRIBATISASYON NG PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON!
Mariin nating kinukundena ang desisyong pagpataw ng dagdag-pasahe sa LRT 1 alinsunod sa mga maka-pribatisasyong probisyon ng LRMC na siyang pribadong operator ng LRT 1.
Lantaran itong atake sa mga manggagawa at maralitang Pilipino na patuloy na naghihigpit ng sinturon sa gitna ng lumalalang krisis ng mataas na gastusin at mababang sahod sa bansa.
Sa ilalim ng bulok na sistemang pinapairal ni Marcos, walang humpay na ginaghawang negosyo ang mga pangunahing serbisyong panlipunan gaya ng pampublikong transportasyon, habang pinapasan ng taumbayan ang pagpapalaki ng tubo ng mga malalaking korporasyon at negosyante.
Ang maka-masang pampublikong transportasyon ay karapatan, hindi produktong ibinebenta sa mga kapitalista. Ang pagpapatali ng LRT 1 sa pribadong korporasyon sa ilalim ng pribatisasyon ay patunay na ang gobyerno ni Marcos ay nagsisilbing instrumento ng mayayaman at hindi naglilingkod sa taumbayan.
Nananawagan tayo sa mamamayan na magkaisa laban sa patuloy na pribatisasyon ng ating mga pampublikong serbosyo. Dapat nating isulong ang isang progresibo, makabayan, at makamasang sistema ng pampublikong transportasyon, sa pamamagitan ng:
- Pag-imbestiga at pagbasura ang mga kontrata sa pribatisasyon ng malalaking public transport: Maglabas ng pambansang imbestigasyon sa mga kontrata ng LRT at MRT (hal. Metro Pacific, Ayala, LRMC, atbp). Ibunyag at kanselahin ang mga di pantay na kasunduan na nagpapayaman sa iilan habang pinapahirap ang masa.
- Pagsasabansa ng Industriya ng Transportasyon: Gumawa ng komprehensibong plano sa pagsasabansa ng industriya ng transportasyon mula sa paggawa ng lokal na mga sasakyan, tren, riles, at teknolohiya sa ilalim ng pamamahala ng estado. Iwaksi ang pag-asa sa dayuhan at pribadong pamumuhunan.
PISTON retweeted
HINGGIL SA LUMALAKING KASO NG MGA PINABAYAAN AT INABANDONANG MARINO SA KARAGATAN
Nakababahala ang lumabas na balitang ang mga Pilipino ang isa sa pinakamalaking bilang ng mga marinong inabandona at pinabayaan sa karagatan.
Sa hirap ng buhay sa Pilipinas, nakakaakit talaga ang laki ng sweldong kikitain sa pagsampa ng barko. Pero sa kasalukuyang sistema at kalakaran, malaki rin ang nagiging pinsalang nararanasan ng ating mga marino at kanilang pamilya — matinding kalungkutan, panganib, at lumalaking kaso ng pagpapabaya at pagaabandona ng kanilang kumpanya sa gita ng karagatan.
Ayon sa ulat ng International Transport Workers’ Federation (ITF), 3,133 na mga marinong inabandona ng kanilang mga kumpanya sa barko sa buong mundo ang humingi na tulong sa kanila nitong 2024. 273 sa mga ito ay mga Pilipino. Katunayan, mga Pilipino ang ika-apat sa pinakamaraming pinabayaang marino sa buong mundo.
Kabilang ang mga marinong Pilipino sa milyon-milyong migranteng manggagawang Pilipinong tumutulong sa pagtataguyod ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng remittances. Marami rin sa mga operator ng jeepney sa bansa ang mga dating marino na nakapag-pundar ng kanilang sariling jeep matapos makipagsapalaran sa karagatan at ibayong bansa.
Dapat agarang imbestigahan ng gobyerno ang lumalalang kasong ito. Dapat panagutin ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng iba pang ahensya ng pamahalaan ang mga dayuhang employer at mga lokal na manning agency na nagpapabaya sa ating mga marino. Agad din dapat silang bigyan ng sapat na ayuda at tulong pinansyal para makauwi sa kanilang mga pamilya.
PISTON retweeted
HINGGIL SA PANUKALANG PAGTANGGAL NG EDSA BUS LANE:
Kapag talaga ang sistema ng public transport sa bansa ay pinapaandar ng mga de-kotseng negosyante sa gobyerno, dehado ang taumbayan.
Ano ba ang pakinabang sa kanila ng taumbayan eh di naman sila sumasakay ng bus, tren, o ng jeep? Komportable silang minamaneho ng mga SUV nila, madalas may mga convoy pa pang-hawan ng trapik.
Ang tunay na solusyon sa krisis sa trapiko ay paramihin ang pampublikong transportasyon sa pamamagitan ng pagsuporta ng gobyerno pareho sa maliliit at malalaking public trasport sa diwa ng progresibo, makabayan, at makamasang sistema ng transportasyon.
Una, ibalik ang limang taong prangkisa ng mga PUJ at iba pang PUV. Pangalawa, ibasura ang negosyo at makadayuhang PUVMP. Pangatlo, isapubliko ang LRT, MRT, at EDSA Carousel. Pang-apat, maglaan ng mas maraming budget sa pagtatayo ng mas malawak pang sistema ng public transport para mas maraming maisakay na pasahero at para mas maging konektado ang kalunsuran sa mga probinsya.
#26FlorandaSaSenado
#ByahengPagbabago
#59BayanMunaPartylist
#TaumbayanIpanalo
PISTON retweeted
🌄 ANO ANG PANGARAP NATING LIPUNAN? 🤔
Ilang araw bago ang opisyal na simula ng kampanya sa eleksyon 2025, naglunsad tayo ng pag-aaral hinggil sa Estado at Rebolusyon, kasama ang mga tsuper at operator sa Parañaque sa tulong ng Paaralang Felixberto Olalia Sr. @OlaliaSchool
PISTON retweeted
O may gas, ang taas ng presyo! Paano nga ba nakakaapekto ang Oil Price Hike sa mga Pilipinong konsyumer? Let Inklusibo explain!
Check the full post here: instagram.com/p/DFsAKRgT_UY/…











































