Binago ng Impeachment Court ang voting threshold sa paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte matapos katigan ng mayorya ng mga senator-judges ang bagong interpretasyon sa bilang ng mga botong kailangan para sa conviction.
Habang iginiit ng kampo ng Bise Presidente na dapat manatili sa 16 ang kinakailangang boto batay sa kanilang pagbasa sa Konstitusyon, naninindigan naman ang korte na ang bagong ruling ay naaangkop lamang sa kasalukuyang kaso.
Paglilinaw sa batas o pagbabagong maaaring makaapekto sa magiging hatol?
📺 Panoorin ang buong detalye sa DATOS — dito lang sa NET25 Online.
#NET25NewsAndInformation #DATOS #WengDelaFuente #SaraDuterte #ImpeachmentTrial #SenatePH #ConstitutionPH #RuleOfLaw #PhilippinePolitics
ANG MGA PINOY, BASTA LIBRE, GAME 'YAN! 🤣 #HearMeOut! Aminin mo, ganito ka rin! Pero bakit nga ba ang sarap sa feeling kapag may nakukuha tayong libre? Share your freebie moments naman diyan! 👇
youtu.be/XrNl35mIwKI
KAPAG OFW, OBLIGADO BANG MAG-UWI NG PASALUBONG? 🤨 #MainFeed!
Ano ang masasabi mo sa mga taong wala namang suporta sa buhay ng isang OFW, pero ang gusto kasali sa pasasalubungan? 🤔️ May kilala ka bang ganito? Ano, toxic ba? 😅️
youtu.be/n_ZOCPPSR-k
Kinuwestiyon ni Atty. Harold Respicio ang pamamahala sa pondo ng PhilHealth. Nagbabala si Dr. Anthony Leachon na maaaring bankrupt na ang ahensya at umaasa na lamang sa nakalaang pondo upang punan ang kakulangan nito.
#NET25NewsAndInformation #Resbak #AttyHaroldRespicio #AnthonyLeachon #PhilHealth #PublicService #Pilipinas
youtu.be/47hFbmJuC8o
Pumangatlo si Davao City Mayor Baste Duterte sa presidential preference survey ng WR Numero. Nanguna naman si Vice President Sara Duterte na nakakuha ng 42.4% voter preference, habang pumangalawa si dating Vice President Leni Robredo.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/MFPcsiDlkAA
FROM DIY IDEA TO BUSINESS OPPURTUNITY! 😍
Nakasama natin dito sa #LoveTonipetAndEverythaaang si Viola Jane Caliwan, na nagsimula sa paggawa ng crochet at fuzzy wire flowers noong 2022. 🎀
Isang simpleng DIY idea na naging simula ng kaniyang handmade hair accessories #MiniGosyo! 💙
youtu.be/ZRZa58cQlC8
Dulot ng matinding pinsala ng ilang linggong habagat at mga bagyo sa Central Luzon, nag-abot ng tulong ang Iglesia Ni Cristo sa pakikipagtulungan ng Felix Y. Manalo Foundation sa mga residente ng Pampanga na matagal nang nalubog sa baha.
Bukod sa mga care packages at jumper boots, nagkaloob din sila ng mga bangka para sa mga residente upang magamit sa kanilang transportasyon at pang-araw-araw na pangingisda at kabuhayan.
#WorldwideLingapSaMamamayan #SpecialCoverage #CareForHumanity #FYMFoundation
youtu.be/v8ZabDmiaZg
Walang inaasahang biglaang pagtaas o “bill shock” sa singil sa kuryente, pero hindi pa rin nakikita ng MERALCO ang posibilidad na bumaba ang presyo nito sa mga susunod na buwan, ayon kay Joe Zaldarriaga. | Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/xinUjiHq_Nw
"Napakalayo sa realidad!"
Kinuwestiyon ni Cora Guidote, ekonomista at dating miyembro ng BSP Board, ang poverty threshold na inilabas ng PSA na P96 kada araw.
Ayon kay Guidote, malayo ito sa aktuwal na gastusin ng mga Pilipino at tila salungat sa pagkilala ng World Bank sa Pilipinas bilang upper-middle-income country.
| Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/KLhXTJzH998
LIBRENG SAKAY SA ARAW NG ASEAN SUMMIT
Magpapatupad ng libreng sakay ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa Nobyembre 9, 11, at 13 bilang bahagi ng pagdaraos ng 49th ASEAN Summit sa Pilipinas.
Saklaw ng libreng biyahe ang dalawang oras sa umaga, mula alas-7:00 hanggang alas-9:00, at sa hapon, mula alas-5:00 hanggang alas-7:00.
Inaasahang makatutulong ang hakbang sa mga commuter na bibiyahe sa Metro Manila habang isinasagawa ang mga aktibidad kaugnay ng summit.
#NET25NewsandInformation #LRT1 #LibrengSakay
#ASEAN2026 #ASEANSummit
Arestado ang isang 32-anyos na empleyado ng isang law office sa Makati City dahil sa umano’y pagnanakaw ng mga blangkong tseke at pamemeke ng mga pirma upang makapag-encash ng ₱386,674.68.
Nakilala ang suspek sa alyas na “Cha-cha.” Nadiskubre ang kaniyang ginagawa matapos mapansin ng kumpanya ang mga transaksiyong walang pahintulot gamit ang mga tseke nito.
Nakuha rin sa kaniyang pinagtatrabahuhan ang isang punit na blangkong tseke at dokumentong may mga pekeng e-signature.
Nahaharap siya sa mga reklamo kaugnay ng qualified theft at pamemeke ng mga dokumento sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act.
#NET25NewsandInformation #cybercrime #checkfraud #MakatiCity #investigation #fraud
HINDI NA MIYEMBRO SI JOSEPH CUE SY
TINGNAN: Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) na inalis na sa hanay ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) si Joseph Cue Sy, na kilala rin bilang Chen Zhong Zhen, noong Agosto 2025.
Kasabay nito, muling sinusuri ng PCG ang listahan ng mga auxiliary member upang matiyak na kwalipikado at pasado sa pamantayan ng organisasyon ang mga kabilang dito.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, paiigtingin ni PCG Commandant Admiral Rommel Supangan ang proseso ng background checking at beripikasyon, hindi lamang sa mga bagong aplikante kundi pati sa mga kasalukuyang miyembro.
Layunin nitong matiyak ang integridad ng PCGA at mapanatili ang tiwala ng publiko sa organisasyon.
📸: PCG
#NET25NewsandInformation #PCGA #JosephCueSy
#ChenZhongZhen #PhilippineCoastGuard
Nahuli ng mga awtoridad ang 30-anyos na driver ng SUV na tumangay ng cellphone na mahigit ₱50,000 ang halaga mula sa isang online seller sa Mandaluyong na nasawi matapos masabit sa sasakyan.
Ayon sa pulisya, tumakas ang suspek habang bitbit ang hindi pa nababayarang cellphone, dahilan para sumampa sa SUV ang 23-anyos na biktima hanggang EDSA bago mahulog sa kalsada. Namatay ito matapos ang tatlong araw na pagkaka-ospital dahil sa matinding pinsala sa ulo.
Naaresto ang suspek sa Pasong Tamo, Quezon City at nakapiit na sa Mandaluyong Police Station. Haharap ito sa kasong robbery with homicide. | via Jim Tejano
📷: Mandaluyong CPS
#NET25NewsandInformation #Mandaluyong #policenews #crimenews #SUV #driver #arrest
Naantala ang biyahe ng libu-libong pasahero matapos makatanggap ng bomb threats ang hindi bababa sa 25 passenger flights sa iba’t ibang bahagi ng Europe nitong Huwebes, Nobyembre 5.
May mga eroplanong kinailangang ilihis ang ruta, habang ang ilan ay ineskortan pa ng mga fighter jet bago lumapag. Kabilang sa mga apektadong biyahe ang papunta sa Milan, Rome, Paris, Prague at Sofia.
Walang natagpuang pampasabog sa mga eroplanong sinuri ng mga awtoridad, ngunit hindi ito ang unang insidente ngayong linggo. Noong Martes, hindi bababa sa pitong flight at isang cruise ship ang nakatanggap din ng bomb threats.
Wala pang grupong o bansang inaakusahang nasa likod ng mga pagbabanta, bagama't may ilang opisyal sa Europe na nag-uugnay sa mga ganitong insidente sa posibleng hybrid attacks ng Russia. 📸 : Reuters #NET25NewsandInformation #Europe #BombThreats
#FlightDisruptions #AviationSecurity #AirTravel #InternationalNews
What if AI could take marketing beyond automation? Agentic Marketing allows AI agents to independently carry out marketing tasks with minimal human intervention, helping businesses work smarter, streamline processes, and improve efficiency.
As artificial intelligence continues to transform the business landscape, understanding emerging technologies like Agentic Marketing can give companies a competitive edge.
SUBSCRIBE to OPEN FOR BUSINESS YouTube Channel: youtube.com/@NET25OpenForBus…
FOLLOW our social media accounts:
Facebook: facebook.com/NET25OpenForBus…
#NET25OpenForBusiness #OpenForBusiness #NET25 #BizwordOfTheWeek #AgenticMarketing
Sa gitna ng lumalalang banta ng El Niño na nagdudulot ng pinsala sa sakahan at kabuhayan, nagpaabot ng suporta ang Iglesia ni Cristo pakikipagtulungan ng Felix Y. Manalo Foundation sa mga komunidad sa Cagayan at Camarines Norte, sa pamamagitan ng care packages para sa mga magsasaka hanggang sa pamamahagi ng school supplies para sa mga mag-aaral.
#WorldwideLingapSaMamamayan #SpecialCoverage #CareForHumanity #FYMFoundation
youtu.be/iIjMI99qis0
Nilinaw ng PRO 11 na ang viral photo ni Sen. Ronald Dela Rosa sa Digos City Memorial Park, Davao del Sur ay kinunan three years ago, at hindi ngayong taon. #NET25NewsandInformation #SiyentoPorSiyento #BatoDelaRosa #SenBato
youtu.be/2CdKPxk-HZ4
Bunsod ng matinding tagtuyot at kakulangan sa likas na daluyan ng tubig sa gitna ng banta ng El Niño, isang bagong water pump ang itinayo ng Iglesia ni Cristo sa pakikipagtulungan ng Felix Y. Manalo Foundation para sa mga residente ng Barangay Buracan sa Dimasalang, Masbate.
Bukod sa tuloy-tuloy na suplay ng malinis na tubig na magpapagaan sa pang-araw-araw na pag-iigib ng komunidad, nag-abot din ang programa ng mga care packages at mga balde upang suportahan ang kanilang pangangailangan at kabuhayan.
#WorldwideLingapSaMamamayan #SpecialCoverage #CareForHumanity #FYMFoundation
youtu.be/7fA4Cp-dFvs
GUSTO RIN PALANG MAGING ACTION STAR NI ATTY. GUANZON! 🎬🔥
Sa likod ng kanyang pagiging public servant, mas nakilala pa natin ang ibang side ni Atty. Rowena Guanzon! Alamin ang kanyang mga pangarap, iba pang gustong subukan sa buhay, at mga kuwentong nagbibigay-inspirasyon sa kanya.
youtu.be/nGM-LWB11ic
Tiwala ang Taiwan na magpapatuloy ang suporta ng U.S. Congress sa pagbebenta ng armas nito sa kabila ng resulta ng midterm elections.
#MataNgAgilaInternational #NET25 #Taiwan #USArmsSales #USMidtermElections #UnitedStates
youtu.be/W6Q8rmFTtDk






