NET25 (@NET25TV) header
NET25 (@NET25TV) profile picture

NET25 is the television station of Eagle Broadcasting Corporation

Quezon City, Philippines
Joined April 2012
ANG MGA PINOY, BASTA LIBRE, GAME 'YAN! 🤣 #HearMeOut! Aminin mo, ganito ka rin! Pero bakit nga ba ang sarap sa feeling kapag may nakukuha tayong libre? Share your freebie moments naman diyan! 👇 youtu.be/XrNl35mIwKI
127
KAPAG OFW, OBLIGADO BANG MAG-UWI NG PASALUBONG? 🤨 #MainFeed! Ano ang masasabi mo sa mga taong wala namang suporta sa buhay ng isang OFW, pero ang gusto kasali sa pasasalubungan? 🤔️ May kilala ka bang ganito? Ano, toxic ba? 😅️ youtu.be/n_ZOCPPSR-k
1
162
Walang inaasahang biglaang pagtaas o “bill shock” sa singil sa kuryente, pero hindi pa rin nakikita ng MERALCO ang posibilidad na bumaba ang presyo nito sa mga susunod na buwan, ayon kay Joe Zaldarriaga. | Ano Sa Palagay N’yo? youtu.be/xinUjiHq_Nw
1
139
LIBRENG SAKAY SA ARAW NG ASEAN SUMMIT Magpapatupad ng libreng sakay ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa Nobyembre 9, 11, at 13 bilang bahagi ng pagdaraos ng 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Saklaw ng libreng biyahe ang dalawang oras sa umaga, mula alas-7:00 hanggang alas-9:00, at sa hapon, mula alas-5:00 hanggang alas-7:00. Inaasahang makatutulong ang hakbang sa mga commuter na bibiyahe sa Metro Manila habang isinasagawa ang mga aktibidad kaugnay ng summit. #NET25NewsandInformation #LRT1 #LibrengSakay #ASEAN2026 #ASEANSummit
94
Arestado ang isang 32-anyos na empleyado ng isang law office sa Makati City dahil sa umano’y pagnanakaw ng mga blangkong tseke at pamemeke ng mga pirma upang makapag-encash ng ₱386,674.68. Nakilala ang suspek sa alyas na “Cha-cha.” Nadiskubre ang kaniyang ginagawa matapos mapansin ng kumpanya ang mga transaksiyong walang pahintulot gamit ang mga tseke nito. Nakuha rin sa kaniyang pinagtatrabahuhan ang isang punit na blangkong tseke at dokumentong may mga pekeng e-signature. Nahaharap siya sa mga reklamo kaugnay ng qualified theft at pamemeke ng mga dokumento sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act. #NET25NewsandInformation #cybercrime #checkfraud #MakatiCity #investigation #fraud
1
136
HINDI NA MIYEMBRO SI JOSEPH CUE SY TINGNAN: Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) na inalis na sa hanay ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) si Joseph Cue Sy, na kilala rin bilang Chen Zhong Zhen, noong Agosto 2025. Kasabay nito, muling sinusuri ng PCG ang listahan ng mga auxiliary member upang matiyak na kwalipikado at pasado sa pamantayan ng organisasyon ang mga kabilang dito. Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, paiigtingin ni PCG Commandant Admiral Rommel Supangan ang proseso ng background checking at beripikasyon, hindi lamang sa mga bagong aplikante kundi pati sa mga kasalukuyang miyembro. Layunin nitong matiyak ang integridad ng PCGA at mapanatili ang tiwala ng publiko sa organisasyon. 📸: PCG #NET25NewsandInformation #PCGA #JosephCueSy #ChenZhongZhen #PhilippineCoastGuard
77
Nahuli ng mga awtoridad ang 30-anyos na driver ng SUV na tumangay ng cellphone na mahigit ₱50,000 ang halaga mula sa isang online seller sa Mandaluyong na nasawi matapos masabit sa sasakyan. Ayon sa pulisya, tumakas ang suspek habang bitbit ang hindi pa nababayarang cellphone, dahilan para sumampa sa SUV ang 23-anyos na biktima hanggang EDSA bago mahulog sa kalsada. Namatay ito matapos ang tatlong araw na pagkaka-ospital dahil sa matinding pinsala sa ulo. Naaresto ang suspek sa Pasong Tamo, Quezon City at nakapiit na sa Mandaluyong Police Station. Haharap ito sa kasong robbery with homicide. | via Jim Tejano 📷: Mandaluyong CPS #NET25NewsandInformation #Mandaluyong #policenews #crimenews #SUV #driver #arrest
1
1
171
Naantala ang biyahe ng libu-libong pasahero matapos makatanggap ng bomb threats ang hindi bababa sa 25 passenger flights sa iba’t ibang bahagi ng Europe nitong Huwebes, Nobyembre 5. May mga eroplanong kinailangang ilihis ang ruta, habang ang ilan ay ineskortan pa ng mga fighter jet bago lumapag. Kabilang sa mga apektadong biyahe ang papunta sa Milan, Rome, Paris, Prague at Sofia. Walang natagpuang pampasabog sa mga eroplanong sinuri ng mga awtoridad, ngunit hindi ito ang unang insidente ngayong linggo. Noong Martes, hindi bababa sa pitong flight at isang cruise ship ang nakatanggap din ng bomb threats. Wala pang grupong o bansang inaakusahang nasa likod ng mga pagbabanta, bagama't may ilang opisyal sa Europe na nag-uugnay sa mga ganitong insidente sa posibleng hybrid attacks ng Russia. 📸 : Reuters #NET25NewsandInformation #Europe #BombThreats #FlightDisruptions #AviationSecurity #AirTravel #InternationalNews
120
What if AI could take marketing beyond automation? Agentic Marketing allows AI agents to independently carry out marketing tasks with minimal human intervention, helping businesses work smarter, streamline processes, and improve efficiency. As artificial intelligence continues to transform the business landscape, understanding emerging technologies like Agentic Marketing can give companies a competitive edge. SUBSCRIBE to OPEN FOR BUSINESS YouTube Channel: youtube.com/@NET25OpenForBus… FOLLOW our social media accounts: Facebook: facebook.com/NET25OpenForBus… #NET25OpenForBusiness #OpenForBusiness #NET25 #BizwordOfTheWeek #AgenticMarketing
1
88
Nilinaw ng PRO 11 na ang viral photo ni Sen. Ronald Dela Rosa sa Digos City Memorial Park, Davao del Sur ay kinunan three years ago, at hindi ngayong taon. #NET25NewsandInformation #SiyentoPorSiyento #BatoDelaRosa #SenBato youtu.be/2CdKPxk-HZ4
1
183