
Aromantic and Asexual Support PH (AASP) is a virtual social learning organization in the Philippines for aromantic and asexual awareness. 📧 [email protected]
- Tweets6.7K
- Following244
- Followers1.5K
- Likes12.4K

ALT Isang Nakapapatibay na Disabled Ace Day! Kada taon, sa Miyerkules ng Ace Week, inaalala natin ang magkadikit na laban ng mga komunidad ng mga maykapansanan at mga walang-nasa sa pamamagitan ng Disabled Ace Day. Matagal nang hinaharap ng parehong komunidad ang pagmamaliit at pagkalimot sa loob at labas ng komunidad ng mga bakla.

ALT Napansin ni Courtney lane—tagapagtatag ng Disabled Ace Day—na ang mga kapwa niyang maykapansanan ay minsan ginagamit ang kanilang "kakayahang magmahal" upang patunayan ang kanilang pagkatao. Ganun din, ang mga kapwa niyang nasa espektro ng mga asexual o walang-nasa ay dinedepensahan ang kanilang sarili gamit ang kanilang pagkawalang-kapansanan. Kaya naman, gumawa siya ng araw para sa mga katulad niyang maykapansanan at asexual. Sa ika-limang taon nitong pagdiriwang, patuloy ang laban. Dikit na dikit ang mga isyung panlipunan na hinaharap ng parehong komunidad.

ALT Dagdag sa mga sosyal na eksklusyon ay ang mga pagkukulang sa pantay na karapatang ligal at pinansiyal. Ang mga kinikilala ng batas bilang kapamilya ay may mga pribilehiyo, tulad ng mga kapangyarihan ukol sa mga desisyong medikal at sa pagmamay-ari. Sa Pilipinas, mayroong pag-abante sa pagbibigay ng mga kapangyarihan na iyon sa mga same-sex couples. Pero paano naman ang mga hindi ninanais na mag-asawa? Paano ang pamilya ng mga ace (at iba pa) na hindi pasok sa karaniwang modelo ng isang "pamilya?" Para sa mga may kapansanan sa espektro ng mga walang-nasa, na maaaring dumedepende sa iba o may mas maraming pangangailangang medikal, mabilis maramdaman ang pagsasama ng mga isyung ito.

ALT Sa Pilipinas, bihira makakita ng pormal na proteksiyon para sa mga akomodasyon ng mga maykapansanan. Hindi man pwedeng tanggihan ang maykapansanan dahil lamang sa kaniyang teknikal na pagiging PWD, pwede naman silang tanggihan kung hindi sila nakapasa sa mga panukat ng mga walang kapansanan. Kung wala silang kita na makabubuhay sa kanila, mas lalo silang malalapit o kakapit sa kahirapan. Doble ang hirap na ito para sa mga tao (kasama na ang mga ace) na maaaring walang pamilyang sasalo sa kanila. Sa lipunang inuuna ang isang uri ng pamilya, paano na ang mga ace na hindi pasok sa ganung modelo?

ALT Dagdag pa rito, sa Pilipinas at iba pang mga lugar, ang mga walang-nasa ay kasama sa mga SOGIE na may pinakamababang mental health scores. Kaya masasabi na mas maaaring magkakapansanan ang mga walang-nasa. Ang pagsabay ng mga karanasang ito ay hindi talaga pambihira. Kaya naman, para sa mga maykapansanan, sa mga walang-nasa, sa ating mga kasama, mahalagang harapin natin ang ating mga kasanayang ableist para sa tunay na kaunlaran. Kaya naman, ang Aromantic and Asexual Support Philippines ay lagi't laging tumatayo kasama ng mga walang-nasang maykapansanan para sa kabutihan nating lahat.

ALT A Powerful Disabled Ace Day! Every year, on the Wednesday of Ace Week, we recognize the intersectional struggles of the disabled members of the asexual spectrum through Disabled Ace Day. Both disabled people and aces have long faced dehumanization and erasure, both within and beyond the queer community.

ALT Courtney Lane—who founded Disabled Ace Day—noticed how her fellow disabled people would use their “ability to love” as proof of their humanity. At the same time, many of her fellow acepecs would defend themselves with their non-disabled-ness. So, she carved out a day for those like her, who are both disabled and ace. Five years later, we continue to put a spotlight on the voices of disabled aces. The issues faced by the two communities are not mutually exclusive. In addition to social exclusion are legal and financial issues.

ALT Legally recognized family members often have certain privileges, such as rights related to medical decisions and property. In the Philippines, queer groups are making progress in opening these rights to same-sex couples. But what about people who don’t want to be married? Aces (or anyone) whose family structure does not fit any sort of “couple” mold? For disabled aces, who may be financially dependent on others or have higher medical expenses, the impact of these issues add up faster and harder. In the Philippines, educational and labor institutions rarely have formal protections for accommodations.

ALT Disabled people cannot technically be discriminated against just for having the label “disabled,” but they can be excluded for being unable to perform at abled-bodied standards without accommodation. Without a universal livable income, this leaves disabled people susceptible to poverty. This can be doubly difficult to deal with for people (including aces) who may not have a family to support them. In a society that privileges one specific family structure, what about aces who do not want that kind of family?

ALT Additionally, in the Philippines and other places, the ace community has some of the lowest mental health scores across SOGIESC identities, making aces more likely to be disabled. The intersectional experience of disabled aces is not as rare as one may think. Thus, for disabled people, for aces, and for our allies, we must confront our own (internalized or externalized) ableist tendencies to make any real progress. Therefore, Aromantic and Asexual Support Philippines stands and will always stand with the disabled ace community for the betterment of all disabled people and all acespecs.

ALT Mapaglabang Araw Ng Pagbibigay-Pansin sa Mga Intersex! Kada Oktubre 26 ang Intersex Awareness Day. Sa araw na ito, pinapaalala na ang I sa LGBTQIA+ ay hindi dapat maging “invisible,” pero maging simbolo ng pag-asa ng malaya at maginhawang buhay para sa bawat taong intersex.

ALT Sa pandaigdigan, ang mga taong intersex ay nagiging biktima sa kahihiyan at pinsalang pangkatawan dahil lamang sa kung paano sila pinanganak. Ang kanilang katangiang seksuwal at pagpapahayag ng kasarian ay dapat nakabase sa katotohanang panloob ng bawat indibidwal na intersex, hindi sa kagustuhan ng perisex na mediko, kapamilya, o sino pa man.

ALT Sa Pilipinas, ang Intersex PH ay patuloy na lumalaban para sa Cagandahan Bill, isang proposed bill na maaaring magbigay ng ligtas at aksesibleng daan patungo sa pagkakilalang legal ng tunay na katangiang seksuwal at pagkakakilalang pangkasarian ng mga intersex na Pilipino. Ihinain ito sa senado ni Senador Risa Hontiveros noong Enero 28, 2026.

ALT In the Philippines, Intersex PH continues to fight for the approval of the Cagandahan Bill, a proposed bill to give intersex individuals a safe, accessible route towards legal recognition of their true sex and identity. This has been filed to the Senate on January 28, 2026 by Senator Risa Hontiveros.
































